• HOME
  • JOURNAL
  • CONTACT

kilcher04.net | journal

Category Archives: Project Tagalog

Give me a letter L for Loser

23 Saturday Oct 2010

Posted by kilcher in Life Oh Life, Project Tagalog

≈ 4 Comments

There’s always that time when I’m trying really hard to remember a certain word but try as I might, I just couldn’t. And then when I ask for help from my friends to help me remember (because hello, memory gap ftw) and even magnanimously give them a letter clue, they just always laugh at me (thanks, guys). But heh, no matter how much I whine about how they always make fun of me when this happens, I guess they do have a point.

The Arcade with lots of O’s

Ish: Nakaka-miss ang high school.
Tinats: SM North and all. Lalo na yung arcade dun sa top floor.
Ish: Oo, oo.
Tinats: Ano na ba tawag dun —
Ish: Hindi ko maalala …
Tinats: Alam ko yan eh, madaming “O” yan sa word na yan …
{Silence}
Tinats: Hahahahahaha, QUANTUM!
{Silence}
Ish: Nasan ang O dun?!

That French Song From Way Back When

Tinats: Ish, alam mo ba yung French song nung college na parating kinakanta ng everyone?
Ish: Ha? Anong French song?
Tinats: Yung — nanananana nananaaaaa nananaaaa?
Ish: Hahaha ano yan?
Tinats: Ewan ko basta merong “F” dun sa name ng artist.
Ish: Ayan ka na naman sa give me a letter na yan.
Tinats: OR sa title nung song, basta may “F” yan, for sure.
Ish: Ewan ko sa yo.
{At Home}
Tinats: Jemu, Jemu, naalala mo ba yung French song nung college na parating kinakanta ng everyone?
Jemu: Ha? Anong French song?
Tinats: Yung — nanananana nananaaaaa nananaaaa? Basta may letter “F” dun somewhere eh.
Jemu: Teka, Google lang katapat niyan.
{Super duper long pause}
Jemu: On Ne S’Aimera Plus Jamais!
Tinats: Uh oh, walang letter “F”. Sinong artist?
Jemus: Larusso.
Tinats: Double uh oh, walang letter “F”.
{The Next Morning}
Ish: O ano — walang “F” no?!
Tinats: OO NA, OLATS NA KO!

Ice Cream For Sure

Ish: Summer na!
Tinats: Ice Cream! As if pwede ako. Stupid throat.
{Pause}
Tinats: Ano yung ice cream shop sa Tachikawa?
Ish: (Naghihintay na ng blooper to)
Tinats: Yung may letter B?
Ish: (Hindi na nagsasuggest)
Tinats: Haagen Dazs?
Ish: Letter B nga eh!
Tinats: Lady Borden?
Ish: Walang store ng Lady Borden!
Tinats: O mali na ko. Teka, hindi letter B. Letter D yung meron!
Ish: Hahahaha … blooper na naman to …
Tinats: Tse. Yabang. Letter D yun. For sure!
Ish: Wala nang naniniwala sa for sure mo.
{Long Pause Until Machida}
Tinats: Frak.
Ish: Mali ka na namaaaaan!
Tinats: Stupid Baskin-Robbins. Tama na yung B eh!
Ish: For sure pala ha.

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo

03 Thursday Dec 2009

Posted by kilcher in Project Tagalog, TV/Movies

≈ 3 Comments

httpv://www.youtube.com/watch?v=lAWVrLlXEG8

Kapag sinabi ko sa iyo na ika’y minamahal
Sana’y maunawaan mo na ako’y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa iyo na ika’y iniibig
Sana’y maunawaan mo na ako’y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan

Ako’y hindi romantiko, sa iyo’y di ko matitiyak
Na pag ako’y kapiling mo kailanma’y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana’y huwag mong ikalungkot

Kapag sinabi ko sa iyo na ika’y sinisinta
Sana’y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama’t kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

Halina’t ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika’y sinusuyo
Sana’y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo

[ Gary Granada ~ Kapag Sinabi Ko Sa Iyo ]

Blanko (Pa Din)

14 Wednesday Jan 2009

Posted by kilcher in Poetry, Project Tagalog

≈ Leave a Comment

parang mga kiti-kiti na lang
na nalulunod sa sabaw
na pumalit yata sa ‘king utak
ang mga salita’t katagang
parte ng mga kwento’t daldal
na sa iyo ko lang kayang italak
kaya’t pasensiya ka na sa akin
kung wala man akong mapiga-piga
ni isang kapiranggot na patak
na di gaya noon na parang wala
na lang katapusan ang mga storya
at di ako matigil sa pagputak.

18:33 2009/01/14

Chores, Chores, Chores

15 Tuesday Jul 2008

Posted by kilcher in Poetry, Project Tagalog

≈ 5 Comments

mamayang gabi maghuhugas ako ng plato,
magpaplantsa na rin ng mga damit ko,
magsasampay na ng nakalimutang labada,
para kunyari ayos lang na wala ka na.

mamayang gabi isasaayos ko ang magulo,
liligpitin mga nakakalat na alaala mo.
isasalansan, itatabi, sa kabinet ang tungo,
nang lumuwag man kahit konti ang mundo.

mamayang gabi maghuhugas ako ng plato,
lahat siguro ng pwedeng gawin gagawin ko,
para di na ko mag-isip ng kung anu-ano,
gaya ng kung iniisip mo pa rin kaya ako.

18:39 2008/07/15

————-

goshdarnit. kelangan ko na magsampay at magplantsa. kung bakit kasi ang tamad-tamad-tamad ko’t ayoko pa gawin yun eh. wala na pala akong isusuot bukas. hee.

Acrophobia

15 Tuesday Jul 2008

Posted by kilcher in Photo Blog, Poetry, Project Tagalog

≈ 2 Comments

Tags

acrophobia, falling, fear of heights

Day 061 : Falling is only good if you don’t meet the floor.

bakit ba ang lalim naman yata nito?
puro paa’t kawalan ang nakikita ko.
kakaibang takot, nakakasira ng ulo,
sa kinatatayuan ko’y mukhang mapapako.

bakit ba may nanunulak na lang bigla?
kitang-kita mo nang hindi pa nga handa.
una-ulo kaya akong makikipagkilala
sa sementong matagal nang tumitingala?

bakit kaya ang lalim ng babagsakan ko?
aba’y hindi na talaga nakakaaliw ito.
ayos lang sana kung mayroong sasalo
o kaya hawak na lang sana ang kamay mo.

、E:01 2008/07/15、E/p>

————————-

Woohoo, nakapagsulat din. Finally 🙂

.

22 Thursday May 2008

Posted by kilcher in Poetry, Project Tagalog

≈ 12 Comments

Nakakatakot ang maglakad sa kawalan
na hindi sigurado ang patutunguhan,
ang maglakbay na walang sinusundan,
ang bahala nang mapunta sa kung saan.

Isiping lulan ka ng sasakyang tatahak
sa kahit anong baku-bako at lubak
kaliwa, kanan, liko, diretso, di tiyak,
manibela’y mga kamay mo ang may hawak.

Kayanin mo kaya ang walang kasiguruhan
at ibasura ang mapang pinagkakatiwalaan?
Ang maligaw, mawala, magulumihanan,
hayaang tangayin ng agos ng kapalaran?

Isnabin na ang alinlangan at sige sumabak
na lang sa kahit ano kahit man ikapahamak.
Di lahat ng bagay ay pinaplano’t binabalak,
minsan minsa’y sulit rin naman ang di tiyak.

[ 11:50 2008/05/22 ]
Photo

Saktong Kwentuhan Lang

08 Thursday May 2008

Posted by kilcher in Poetry, Project Tagalog

≈ 13 Comments

psst … pwede bang umupo sa tabi mo?
makikitambay lang naman sana ako.
sana ay ayos lang sa ‘yo,
kwentuhan, katahimikan, kahit na ano.

saktong daldalan lang naman ito,
sabihin mo lahat ng gusto mong ikwento,
ke walang kwenta o di kune-kunektado,
sige lang, makikinig pa rin naman ako.

psst … pwede ba umupo sa tabi mo?
hayaan na lang muna ang buong mundo;
ayos lang ke umikot o huminto man ito,
ayos lang kahit nandyan ka at nandito ako.

[ 17:01 2008/05/08 ]

Photo: “Saktong Kwentuhan Lang” | Originally uploaded by kilcher

Siguro

28 Monday Apr 2008

Posted by kilcher in Life Oh Life, Photo Blog, Poetry, Project Tagalog

≈ 22 Comments

siguro nga hanggang panaginip ko lang ang lahat ng ito
At kung sakaling dumaan ako at pinalagpas mo,
tanggapin na lang na ganun talaga ang buhay siguro.
Siguro nga hindi talaga tayo dapat magtagpo,
siguro hanggang panaginip ko lang ang lahat ng ito.

[ 2008.04.27.20.59 ]

Continue reading »

Wala Pa Rin

15 Tuesday Apr 2008

Posted by kilcher in Poetry, Project Tagalog, Work

≈ 4 Comments

hindi ko mahanap ang hinahanap ko
ke buong maghapon o buong araw man akong
walang katapusang maghalungkat at maghalughog
sa mga nakatiwangwang at nakasalansan
na mga bagay-bagay at walang-silbing kaalaman
mo, ko, natin, nila, o kahit na sino pa man.

hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.
saan at papaano nga ba ang dapat na
ginagawang panimula sa bagay na gaya nito?
kakaunti pa lang naman talaga ang alam ko,
di maiiwasang sobrang mahilo at malito,
maburaot, mainis, mag-alburuto.

lintek na yan naman, kanina pa ako dito,
hanggang ngayon wala pa rin akong
napapalang direksyon o ni anino ng plano.
hanggang kailan ba ako mangangapa dito?
sana nawa, dapat lang, siguro naman
magkakaroon din ng linaw lahat ng ito.

19:22 2008/04/15

Continue reading »

Full Moon

08 Tuesday Apr 2008

Posted by kilcher in Poetry, Project Tagalog

≈ 2 Comments

Tinatamad na akong maghimay-himay
ng mga konseptong walang patutunguhan.
Siguro nga kasi ito ay isa lamang kahibangan,
kakaibang epekto lang ng bilog na buwan.

 

[ 2008.04.08.18.17 ]

 

 

PS — Hindi naman bilog ang buwan ngayon. Wala lang — bakit ba? Eh sa gusto ko yan isulat eh.

← Older posts

Social Network

Recent Comments

  • kilcher on t minus 2 weeks
  • meema on t minus 2 weeks
  • kilcher on Maybe Either, Maybe Neither, We Just Don’t Know
  • maytoio on Maybe Either, Maybe Neither, We Just Don’t Know
  • Andi on Desktop as of 2011.06.30

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
« Feb    

Proudly powered by WordPress Theme: Chateau by Ignacio Ricci.