Nakakatakot ang maglakad sa kawalan
na hindi sigurado ang patutunguhan,
ang maglakbay na walang sinusundan,
ang bahala nang mapunta sa kung saan.
Isiping lulan ka ng sasakyang tatahak
sa kahit anong baku-bako at lubak
kaliwa, kanan, liko, diretso, di tiyak,
manibela’y mga kamay mo ang may hawak.
Kayanin mo kaya ang walang kasiguruhan
at ibasura ang mapang pinagkakatiwalaan?
Ang maligaw, mawala, magulumihanan,
hayaang tangayin ng agos ng kapalaran?
Isnabin na ang alinlangan at sige sumabak
na lang sa kahit ano kahit man ikapahamak.
Di lahat ng bagay ay pinaplano’t binabalak,
minsan minsa’y sulit rin naman ang di tiyak.
[ 11:50 2008/05/22 ]
Photo
yes!!! nagawa mo!!! kaso wala ung “parak”, “uwak”, “tagak”

galing galing naman tina
harharhar kasi naman papano ko naman isasali dyan yung “PARAK”?
keber lang kahit harangin ng parak
batuhin mo na lang ng bote ng alak
o di kaya ayain na lang siyang lumaklak
humuli at mag-ihaw ng pulutang uwak.
HAHAHA.
shet, “TAGAK” na lang!
yebah!!! o di ba? pumasok!!! kaso wala pa si tagak
hindi na kaya ng powers ko hahaha. gutom na gutom na.
oi krotone, astig ang bora pics, pa-cheeseburger ka naman! burger! burger!
hahahahah!!! sure! pero dapat nandito ka
hehehehe
sigurado ako di hamak
imposible ang pagputi ng uwak
gayun din ang pag-itim ng tagak
lalo pa ang pagtino ng parak
para saan ba ito? =)
@jeyel hahaha para sa … teka nga, para san nga ba to? hindi ko alam hahaha.
letse kasing “tagak” yan eh.
burger! burger!
hahahaha! ganyan ako. kung saan mapadpad, go! kaladkarin eh. hehehe
btw, pasensya na kung di nakakadaan lately. super busy. miss ko na magcomment at magblog. sana magkapanahon.
@madam
shet sa bubai ka nga pala ano? hindi pa nga ako nakakarating doon. atsaka walang net hahaha. :p pakabit ka na ng net kasi.
kebs lang, tapos na ang maliligayang petix moments nating lahat. haha. pati ako – wudyubilib?
uuuuyy, rhyme! hehehe
ayus kilcher! para dito pala yung mga ‘tagalog na kelangan tagalugin’ na mga tanong ni krotone hehehe 
@erika
hahaha, oo para dito yun. mantakin mong TAGAK at PARAK ang ibigay sa akin! :p
‘-ak’ words lang naman sinabi mo e
hehehehe.. 