At dahil nalalapit na ang aking paglisan (dalawang linggo na lang anubah), susubukan kong alalahanin ang pinaka-interesting na nangyari sa kin sa around four and a half years ko todits sa land of the rising sun and eternal office hours.
1. Mag-slide paibaba ng bundok dahil nilipad ng hangin ang isa kong glove. Saklap.
2. Muntik na mawala sa bundok sa Zao dahil super foggy at di makita ang harapan.
3. Ma-sprain ang dalawang paa. Nang sabay.
4. Ma-crack ang pinkie toe habang naglalakad with the bike (at marami ang version netong kwento na to).
5. Ma-attach sa isang upuan. I miss you Cher the chair. Sana buhay ka pa pero feeling ko hindi na.
6. Mag-hibernate nang isang buong linggo (golden week) without going out. Hibernate nga eh, shempre no going out. May pagka-redundant din pala ko no?
7. Mag-bakasyon (!) nang 2 months sa isang hospital.
8. Naadik mag-online-shopping. I will defo miss you Amazon and Rakuten.
9. Photography. ‘Nuff said.
10. Magcollect ng napakaraming scarf (scarves?). Ano kaya gagawin ko sa mga yun no?
11. Matutong magluto (level up from boiling water and *cooking* pancit canton). Pwede na ko ngayon mag-nilagang-B (bubuyog? bisekleta? bentilador?). Kaya ko na ata mag-grill ng steak at maggawa ng sinigang. Pero siyempre pinakamagaling akong magpipindot ng keys sa microwave at mag-type-type sa keyboard para umorder na lang.
12. Sara Bareilles concert. Yeh! Best concert ever! At asa video pa kami ni Benny hahaha. It was an awesome show. Kahiyuuuuh.
13. KT Tunstall concert. Yeh! Napagod paa ko sa kakatayo pero prime position kami ni Benny as in sa harapan. PS parang kamukha niya si Jolens. Hmnnn.
14. Maroon 5 and Aerosmith concerts. Yeh! Ang lalayo nila (Nippon Budokan and Tokyo Dome ang mga venues, respectively) so ang hirap makita ng pilantik ni Adam Levine and bibig ni Steven Tyler. Nevertheless, enjoy to the max ever.
15. Sakura Tulip Festival chuchubelles. Very special mention ang Meemax ahaha. Memorable talaga yun. Pero I don’t want to make lublob myself in the putikan and damage my camera haha. Traumatizing siya.
16. Sprint to shuuden galore. Kelangan abutan ang last train sa gabi. Buti na lang hindi ito parati.
17. Sprint in the morning para habulin ang tren na naman. OA na yang train na yan ah. Parating hinahabol. Five seconds lang naman ako nalelate di pa ko hintayin. Imbey.
18. Snow. Masaya pero nakakairita. Bakit ba kasi ang lamig-lamig niya?
19. AUTUMN — ang walang kamatayang autumn. I love autumn.
20. Kafunsho. Siya na, siya na talaga. Hanggang ngayon di pa din ata ako naka-recover sa damage na ginawa niya sa sinus ko.
21. Kyoto + Osaka + Kobe. Saya neto. Ang saya talaga.
22. … (Teka saka na yung iba, wala na ko maalala ngayon pero baka mamaya meron pa).
meema said:
Sabi ko na nga ba at lalabas ako rito. Ahahahaha! Memorable. Nabenta naman ung camera kaya okay lang. Pero memorable pa rin yung nakasuot ako ng plastic sa labas ng mall habang hinihintay kang bumili ng pantalon at panty. Ahahahaha! I love the pants by the way. Buhay pa.
kilcher said:
@meemers But of course, unforgettable desu yo. Parang pampelikula eh. Lemony Snicket lang 😛