hindi ko mahanap ang hinahanap ko
ke buong maghapon o buong araw man akong
walang katapusang maghalungkat at maghalughog
sa mga nakatiwangwang at nakasalansan
na mga bagay-bagay at walang-silbing kaalaman
mo, ko, natin, nila, o kahit na sino pa man.

hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.
saan at papaano nga ba ang dapat na
ginagawang panimula sa bagay na gaya nito?
kakaunti pa lang naman talaga ang alam ko,
di maiiwasang sobrang mahilo at malito,
maburaot, mainis, mag-alburuto.

lintek na yan naman, kanina pa ako dito,
hanggang ngayon wala pa rin akong
napapalang direksyon o ni anino ng plano.
hanggang kailan ba ako mangangapa dito?
sana nawa, dapat lang, siguro naman
magkakaroon din ng linaw lahat ng ito.

19:22 2008/04/15

Google, sagutin mo na kasi ang tanong kong “papaano ba kasi makikita ang listahan ng mga Network Printers at Scanners pati ang IP nila” hehehe. Sorry naman, hindi ko pa kasi talaga alam yan. Kelangan na bang alam ko yan ngayon na? Ahuhuhu.