Palpak ka na naman.
Kailan pa ba magbabago yan?
Parang lahat na lang ng bagay sa mundo
Pakiramdam mo ikaw ang dahilan.
Kung hindi ka sana nagiging tanga,
Kung hindi ka sana puro sarili na lang.
Eh di sana di ka iiyak-iyak ng gabaldeng luha,
Di ka sana nagmumukhang buwang.
Ngunit paano nga ba ibabangon ang sarili
Kung ang lahat ng umiikot sa paligid mo
Ay hindi mo maintindihan kahit na anong gawin
Kahit mahilo ka na sa kakaisip kung paano?
Palpak ka na naman, sablay na lang parati.
Kailan ka ba magbabago? Kapag wala na ang lahat?
Kapag wala ka nang magagawa para maisalba
ang lahat ng kailangan mong isalba?
Hala, tama na ang pagmumuni-muni,
Tama na ang pagtatanga-tangahan,
Tama na ang pagmumukmok.
Hala, gumalaw ka na.
Bago mawala ang lahat at mag-iiiyak ka na naman diyan.