• HOME
  • JOURNAL
  • CONTACT

kilcher04.net | journal

Daily Archives: 2011/02/02

Blast From The Past

02 Wednesday Feb 2011

Posted by kilcher in Books, Geekdom, Life Oh Life

≈ Leave a Comment

I was sifting through my Google Reader feeds and came across Neil Gaiman’s latest blog entry [link] and saw the image below:

I was hit by this weird nostalgic feeling because, uhm, yeah, those words have a special meaning for me and it was probably one of my most favorite Gaiman quotes. I even used those words before to convey something I didn’t want to say directly [see this].

***

I still dunno if I really wanna get inked or not.

Sardinas Redux

02 Wednesday Feb 2011

Posted by kilcher in Japan Stuff, Life Oh Life

≈ 1 Comment

Crowded Tokyo Train

Matagal-tagal na rin pala mula dun sa huling maipit ako sa mala-sardinas na tren. Ni hindi ko na nga maalala kung kailan yun. Ito yung pakiramdam mo nandidilim na ang paningin mo at parang andaming dots (ilang dpi kaya yun– eheerrrm*nerd*eherrrrm) na everywhere tapos kapag naitaas mo yung kamay mo para mag-reach sa (unreachable) hawakan eh hindi mo na maibaba hanggang umabot ka na dun sa kung san ka talaga pupunta tapos hindi ka na makahinga kasi heller nasa mukha mo na yung likod (sana likod nga yun) ng kung sinuman yung katabi-kaharap-kalikod mo tapos ito talaga yung sobrang nakakapagod na pakiramdam mo ikaw si Leaning Tower of Pisa dahil napipisa ka na sa kakasiksik ng mga tao sa yo.

Hay, grabedad.

Nangyari ito kanina pag-uwi namin. Ang saya pa naman dahil yay pwedeng umuwi nang maaga dahil may (super-late) end-of-year eklat sa company. Nagtatanong pa ko kung anong gagawin ko sa free time ko dahil nga ang aga namin lumabas. Pero naman naman naman pagdating sa station, lekat na yan, siyempre kelangan late ang train. (Hindi namin ma-gets bakit basta late). Sa isang iglap nawala na lang bigla yung pinakamimithing free time.

Ayun, so late nga yung train di ba? Siyempre dumami nang dumami nang dumami yung nag-aabang na gustong sumakay na halos mapuno na yung platform. Tapos dumating na finally yung train. Yebah Hachiojiへ! Goodness gracious great balls of fire. Eto na bonggang-bonggang gitgitan woohoo! Grabe na ang hirap huminga at gumalaw at mag-stay upright kasi merong naka-lean sa amin na ilang persons ba yun. Iritasyones. Sakit ng likod ko. Super strained pa ang tuhod dahil hindi ka direchong nakatayo. At mula sa station na kung saan kami sumakay mantra ko na ang “sana Machida na”.

Andami ko reklamo haha, parang di pa talaga ko nasanay no?

Pero sa totoo lang hindi na talaga. Oo, ganito ang drama ko dati, pero circa 2007 pa yun. Nung bago pa ko nagkasakit na parang may elepanteng nakaupo sa akin (ibang kwento naman to). Enihu, kaya siguro ako nanghina nang bonggang-bongga at nagkasakit noon. Eh sa araw-araw na dumaan, ganun ang nangyayari. Pagpasok sa umaga. Pag-uwi sa gabi. Ganun pa din. Sardinas kung sardinas. Magkapalit na kayo ng mukha, likod, pwet, at kung anu-ano pa, ayos lang. Mapagod ka na nang sobra-sobra. Mahawa ka pa nung kung anong meron yung katabi mo. Keber lang. Basta makasakay sa train at makarating sa paroroonan nang on time.

Gigil.

Pero buti na lang winter. Buti na lang talaga. Kasi kung summer pa to, ewan ko na lang. Ayoko na lang ipilit. Magpapa-late na lang ako siguro ng uwi.

***

Photo from [ Link ]

Social Network

Recent Comments

  • kilcher on t minus 2 weeks
  • meema on t minus 2 weeks
  • kilcher on Maybe Either, Maybe Neither, We Just Don’t Know
  • maytoio on Maybe Either, Maybe Neither, We Just Don’t Know
  • Andi on Desktop as of 2011.06.30

Calendar

February 2011
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  
« Jan   Mar »

Proudly powered by WordPress Theme: Chateau by Ignacio Ricci.