• HOME
  • JOURNAL
  • CONTACT

kilcher04.net | journal

Monthly Archives: June 2008

Forces! Forces! Ugh!

12 Thursday Jun 2008

Posted by kilcher in Geekdom, Life Oh Life

≈ 7 Comments

Ahahahaha! Nahilo ka ba? O malamang naasar na at di na lang pinansin itong post na to (pero kung ganun eh di hindi mo na nababasa itong mga daldal ko na to)? Ako rin nahilo eh. Isang malaking imahe na lang siya sa akin, wala akong nakikitang mga formula or hieroglyphic symbols. Para na lang siyang painting — abstract painting, to be exact.

O di bale, linisin natin ang ang image, tanggalin ang mga computations, at itira ang mga free-body diagrams.

Haha, wala pa rin. Puro arrows na lang nakikita ko. Arrows representing forces. Forces that need to be resolved into a single resultant (with magnitude and direction ^_^).

Kasi ganito yan, wala namang mga pangyayari pero pakiramdam ko andaming nangyayari (potek kahit ako nalabuan dun ah). Pakiramdam ko lang. Feeling ko lang. OMG, Virginia Woolf mode ba ito (hanggang ngayon di ko pa rin tapos basahin ang The Hours)? Enihu, andaming forces papasok, nakakaloka, hindi ko alam kung saang direksyon ako titingin, magpo-pokus, magbubuhos ng pansin. Andaming forces din papalabas — napakarami kong gustong gawin, pero walang oras, parating pagod, at madalas nang sumakit ang ulo ko ngayon.

Naalala ko tuloy yung mga Free Body Diagrams noon sa ES 11 (Statics of Rigid Bodies) at ES 12 (Dynamics of Rigid Bodies). Andami-daming arrows na nakaturo sa, let’s say, isang box, or isang slab of rock, or isang kotse, or whatever. Tas ire-resolve mo yan, magkakaron ng resultant force that will make the body move (ES 12) or mahahanap mo yung isang unknown force na makakapag-balance sa body na yun at makakapagpanatili sa kanya sa equilibrium (ES 11). Potek, ano kaya ang pakiramdam nung box na yun (or slab of rock, or kotse, or whatever)? Nagugulumihanan din kaya siya habang ang tagal-tagal nung estudyante (ako at ang sanlaksang mga eng’gots na olats sa ES) i-solve yung tinginingining na problem sa problem set or exam? Haha, teka bakit ko ba pinoproblema eh wala namang pakiramdam ang box or slab of rock or kotse or whatever? At hmmmm, pwede ko palang ihalintulad ang sarili ko sa box or slab of rock or kotse or whatever wahahaha.

PS — Ang gulo ko haha. Umulan kasi (huwaaaat?). Ganun yata kapag walang tulog (hello, insomnia) at saka nababasa ng ulan, nagiging monster, well scratch that out, nagiging MALABONG MONSTER. Raaawrr!

PPS — Naku, kung nagganito na ko dati nung ES 11 at ES 12, hindi sana ako nabuwiset nang malala at naburaot sa kakairitang mga subject na yan.

PPPS — Ugh. Kelan ba matatapos itong phase na to? Ayoko na mag-discuss ng mga konseptong ganito pero di ko mapigilan.

PPPPS — Hindi ko na maalala kung san ko nakuha yung first two images. Nag-google lang ako eh. Hehe.

Kusang Lalayo

11 Wednesday Jun 2008

Posted by kilcher in Muzzak

≈ Leave a Comment

At sa aking pagkubli
Hampas ng araw pagdamdam ng gabi
Tulog ang iyong mga kamay
Di nako makapag-antay

Isang umaga muling aahon
At sisikat sa mga panahon
Na tayong pang dalawa
Masayang pagsasama

Buong araw ng pag-agos
Kailan ang huling unos
Di alam kung tatakbo
Kusang lalayo sayo

Isang umaga muli ng pag-iisa
Walang mayakap at makasama
Pusong pilit na sinugatan
Landas kong karaniwan

、EUp Dharma Down | Pag-agos 、E/p>

* Audio under the cut 🙂
Continue reading »

Density and Focus

11 Wednesday Jun 2008

Posted by kilcher in Geekdom, Life Oh Life

≈ 7 Comments

Tags

analogy, density, kilcher~isms, physics

In physics, density is mass (m) per unit volume (V), the ratio of the amount of matter in an object compared to its volume.

In case of a homogeneous substance, the formula for density is:

where, in SI Units:

ρ (rho) is the density of the substance, measured in kg/m3
m is the mass of the substance, measured in kg
V is the volume of the substance, measured in m3

Density can also be defined as concentration — the spatial property of being crowded together.

Pero keber diyan sa formula na yan. Panggulo lang yan hahaha. What I really want to talk about is a person’s being dense. As in, tipong nasa harapan na niya yung isang bagay na dapat ma-gets niya, hindi pa rin niya nakikita. Dense. Ganung tipo. Iyung sobrang oblivious to subtle hints, hindi maka-recognize ng mga ginormous signs even if those signs danced naked in front of them.

In a way, pwede pa rin i-relate yung formula. Sabihin natin parang screen siya in front of the person, pang-filter kung baga ng light na papunta at pabalik sa eyes, pang-limit ng kung gaano ka-clear ang nakikita. The more mass over unit volume, mas maraming particles na nagsisiksikan, lumiliit yung spaces in between, para mas matakpan yung mata. Ergo, lalong lumalabo yung tingin nung tao, lalong hindi niya nakikita, lalong hindi niya narerecognize yung mga signs na dapat naman nakikita niya. Mas dense, mas bulag. Keri?

Anyway, walang point ito haha. Gusto ko lang uriratin ang sarili ko. Ang alam ko kasi, hindi naman ako dense. May kung anong warning bells akong super-sensitive kapag may kakaibang pangyayari na sa paligid ko. Like may isang pangyayari noon, I could see the whole bloody scenario months bago pa naging klaro ang lahat (hindi ako dense or sadyang feeling lang talaga ako — I’m picking the former :P). May kung anu-anong passive-aggressive tactics pa akong ginawa nun para lang ma-ward-off siya. Kasi nung nakita ko na agad yung signs, dapat nip the whole thing in the bud pa lang before everything gets ugly, di ba?

Focus – maximum clarity or distinctness of an image rendered by an optical system. Also the adjustment of the distance setting on a lens to define the subject sharply.

Eh pero minsan din kasi, sa iba rin tayo naka-tingin, sa iba ang focus natin, kaya minsan mayroon din tayong namimiss. Parang focusing lang yan sa photography eh. Kapag sobrang taas ng aperture value mo (mababang f-stop, like f/1.4, for example), isa lang yung pwede mo i-focus. Either yung nasa likuran, or yung nasa harapan. Ako pakiramdam ko sa malayo ako naka-focus, hindi ko nakikita yung mga bumubulaga sa harapan ko. Hindi ako siguro dense talaga, baka I’m just busy looking at the big picture kaya I’m missing the significant little details. Or baka rin it’s the other way around, I’ve been trying to concentrate all my attention and energy on something kaya I’m missing the big picture.

Ah ewan haha. Ang gulo ko na naman. Hindi na ako magtataka kung walang maka-gets neto. Kahit ako hindi ko rin naiintindihan eh. At kumusta naman, patapos na itong entry na to, hindi ko pa rin mapagdesisyunan kung dense nga ba talaga ako or nag-de-dense-dense-an lang. Aaaaaarrrrggghhh, wala akong makitang kung ano. Baka dense nga talaga siguro ako.

Ikaw — ano sa tingin mo?

I Need Therapy

10 Tuesday Jun 2008

Posted by kilcher in Geekdom, Life Oh Life

≈ 2 Comments

Ergo, I will re-design this site.

Or maybe a total shift.

Joomla!

Bahala na desu.

Thrown Away

09 Monday Jun 2008

Posted by kilcher in Life Oh Life, Photo Blog

≈ 6 Comments

Napakaraming metapora ang pwede mong maisip sa larawang yan.

Itinapon.

Hinindian.

Inayawan.

O di kaya sadyang hindi na lang binigyan ng kaukulang pansin.

Rejected.

Unrequited.

Kawawa naman ang nagbigay niyan.

Pero kailangan niyang tanggapin na may mga bagay talaga sa buhay na wala kang kontrol, na may mga resultang hindi mo inaasahan, na hindi lahat ng inaalayan mo ng lahat mo ay tatanggapin iyun nang buong-buo.

Sa panaginip lang nangyayari yun. Hindi sa tunay na buhay.

It’s the stuff of fantasies but never of reality.

Kaya isipin na lang na ganun talaga, ganun talaga, ganun talaga, lintek naman na yan talaga.

Pero ayos lang yan. Kasi sabi nga ng tatay ni Calvin (ng Calvin and Hobbes), “it builds character”.

“It builds character.”

Para namang nakakawala ng sakit yang “it builds character” na yan.

Kung ang buong pagkataong inaalay mo ba ay itinapon, anong karakter pa ang mabubuo mo?

Meron pa ba? Meron pa kaya?

Itinapon.

Hinindian.

Inayawan.

Kawawa talaga ang nagbigay niyang bulaklak na yan.

——————————

Nakita ko ang bulaklak na yan na nakalupasay sa may semento habang ako ay nakatayo sa harap ng Minami-Osawa Eki kanina at naghahanap ng mga lolo’t lolang magkasama na pwede kong isali sa aking They Come in Two’s set. Naintriga ako sa maaaring naging istorya niyang itinapong bulaklak.

Haha, pero baka kelangan i-apply dito ang Occam’s Razor  Principle (shave away all unnecessary assumptions and get to the point the easiest way possible). Baka naman kasi nalaglag lang siya ng kung sinuman at hindi naman talaga ni-reject. Hehe. Di ba?

Whew!

08 Sunday Jun 2008

Posted by kilcher in Sports, WNBA

≈ 1 Comment

Tags

basketball, detroit shock, seattle storm, WNBA

After that nightmare back-to-back road trip (which included a loss to Detroit because of Katie Smith), we finally got some sort of revenge.

(7-2)
1 2 3 4 Total
Detroit 13 15 19 20 67 Final
Seattle 19 21 17 18 75

(6-3)

STAT LINES:

G SUE BIRD — 14 pts 8 asts 3 rebs

F/C LAUREN JACKSON — 24 pts (9 of  11) 6 rebs 5 asts 3 blks

G/F SHERYL SWOOPES — 15 pts 2 rebs 3 asts 2 blks

Wooohooo! Good on Birdy for that dagger three (woohoo Birdy!). At least they won. I can now start my day. 😀

Woohoo Glam!

06 Friday Jun 2008

Posted by kilcher in Muzzak

≈ 2 Comments

Tags

Add new tag

The first flush of youth was upon you when our eyes first met
And I knew that to you and into your life I had to get
I felt light-headed at the touch of this stranger’s hand
An assault my defenses systematically fail to withstand

‘Cause you came at a time
When the pursuit of one true love in which to fall
Was the be-all and end-all
Love is only a feeling
(Drifting away)
When I’m in your arms I start believing
(It’s here to stay)
But love is only a feeling
…anyway

more about “Woohoo Glam!“, posted with vodpod

The state of elation that this unison of hearts achieved
I had seen, I had touched, I had tasted and I truly believed

That the light of my life
Would tear a hole right through each cloud that scudded by
Just to beam on you and I

Love is only a feeling
(Drifting away)
When I’m in your arms I start believing
(It’s here to stay)
But love is only a feeling
Anyway, anyway

Love is only a feeling
(Drifting away)
And we’ve got to stop ourselves believing
(It’s here to stay)
‘Cos love is only a feeling
Anyway.

【The Darkness | Love is only a Feeling 、E/p>
Woohoo, mahal ko ang The Darkness, yebaaaaaaaaaah!

Always Low : I'm Wired That Way

05 Thursday Jun 2008

Posted by kilcher in Geekdom, Life Oh Life, Photo Blog

≈ 18 Comments

Define NEGATIVITY

– the character of the negative electric pole
– characterized by habitual skepticism and a disagreeable tendency to deny or oppose or resist suggestions or commands
– the name given in philosophy to the negative element determinative or definitive of things and all ideas of things, whereby a thing is this because it is not that, and is seen to be this because it is seen not to be that, an antagonism essential to all forms of being, spiritual as well as material, and to all definite and distinct thought.

We can illustrate that using logic gates and the resulting logic circuit would be like:

or as Kaye suggested:

The Input-Output Table would look like:

INPUT OUTPUT
0 0
1 0

That just means that whatever goes in would always go out as NEGATIVE, it doesn’t matter if the input is AFFIRMATIVE or NEGATIVE, HIGH or LOW, the result will always be NEGATIVE || LOW.

I think I have that kind of circuit in my head. Maybe that’s why I always answer half-empty (or fully-empty, if I’m exceptionally negative that day) to that penultimate glass question. Hah. Awesome.

PS — Gabby, di ko rin sure bakit ako nag-ECE, eh galit nga ako sa analog. Puro gray areas (haha, at babalik talaga ako sa topic na yun). Sana pala nag-CoE na lang ako buzet.

Ang Mahiyaing Memory Gap

04 Wednesday Jun 2008

Posted by kilcher in Life Oh Life

≈ 5 Comments

Minsan ako ay balahura, minsan wala rin akong pakialam. Minsan makapal talaga ang mukha ko. Pero sa tunay na buhay, ako po ay mahiyain (wahahahahahahahahaha). Hindi nga. Totoo. Tignan na lang ang sumusunod na dayalogo kung saan naging usapan namin ni Meemax sa YM ang tungkol sa susunod na Tokyo Flickr Meet.

meemax: bat ayaw mong magconfirm?
meemax: go go go. walang hiya ka naman online ah. joke!
tinats: :))
meemax: hihihihi
meemax: sabihin Hi, I’m Tina. I’ll be coming so that I can show you my awesomeness.
tinats: amfufu
tinats: ikaw na lang hahaha puhleeez?
tinats: i’m kinda shy
meemax: tapos pag nag-meet kayo, yung Hi I’m awesome. And you are?
meemax: wahahaha

——————————————

Kailangan ko na yata ng mga assistants 😛 Hindi na nakakatuwa itong memory gap syndrome ko (pero di ko pa rin sure kung tunay ba to or ginagamit ko lang minsan na dahilan wehehehe — saka na nga itong topic ng selective memory loss, medyo malalang diskusyon yun eh). Enihu …

(Kadugtong ng usapang Tokyo Flickr Meet)
tinats: meemax! “she’s a cool”?
meemax: ilalagay ko dapat she’s a cool self-photographer
meemax: (a photographer that’s only interested in shooting his/herself)
tinats: =))
meemax: me tatlong tao ata dyan na may fisheye
tinats: eh wala naman gustong magpose ng concept kong mga pose no
meemax: try nating manghiram
tinats: fisheye!
meemax: willing naman ako ah
meemax: wala lang time at wala yung mga gusto mong costume
tinats: hahaha
tinats: oo nga oo nga
tinats: wala rin sa timing eh
meemax: hehehe
tinats: impulse minsan ang ideas ko.
tinats: at nasa pakiramdam na.
meemax: bat di mo hiramin yung tripod ni ramil habang nasa nagayama pa
tinats: mabilis rin mawala.
meemax: diba gusto mo ng top shot?
meemax: dapat nililista mo eh
meemax: hehehe
tinats: ay oo nga.
meemax: miniprojects
tinats: di. kahit ilista ko.
tinats: kunyari feel ko ngayon, bukas di ko na ma-feel eh.
meemax: pag naging sikat ka na, dapat me assistant ka na talaga lista ng mga ideas mo
meemax: at isa pang assistant na tagakulit
tinats: wahehehe
meemax: =))
tinats: kelangan talaga ng assistant eh
meemax: oo.
meemax: kelangan mo nang bayaran ang tao para kulitin ka ng kulitin
meemax: hehehe
meemax: tapos mas mahal ang bayad ng isa pang assistant
meemax: yung assistant na pipigilan kang matulog nang matulog =))
tinats: hahahahaha
tinats: mahirap ang trabaho na iyun
meemax: uu

(Tanghali — sa a-LINK Office sa Shin-Yokohama)
ish: tinats, may papabigay ako sa yo, pakibigay kay jem.
tna: oki.
ish: (ibibigay ang flash disk) pasabi bigay niya kay jr.
tna: oki (ilalagay ang flash disk sa isa sa mga bulsa ng bag).
tna: paalala mo mamyang gabi ah? for sure, limot ko na yan.
ish: okay.
(Gabi, 2300H~ish, kakauwi ko lang from a nosebleed session sa Bic Camera, nag-YM ang Ish)
ish: tinats, yung pinapabigay ko kay jem ah? remind lang.
tna: ha? (hala, ano na nga yun?)
tna: …
tna: …
tna: ah oo!
(Tatakbo sa bag at kakalkalin lahat ng pockets para makita ang flash disk. Lalabas ng door para puntahan si Jemu)
tna: jemu, may pinapabigay si ish (sabay abot ng flashdisk).
jem: ano to?
tna: ewan ko haha.
tna: teka.
tna: processing …
tna: processing …
tna: processing …
tna: aha — ayooown! pabigay daw pala kay jr. shet na memorya to.
jem: oks
tna: haha

Ugh. Ano ba gamot dito? Kelangan ko na ba uminom ng Enervon Prime? Or kelangan ko na talaga ng assistant? Wehehehehe. So kung ganun kelangan ko na ba mag-post ng specs for da assistant(s)? Oki oki oki. Ja, eto na ang preliminary specs:

(1) Makulit. Pano naman pag di makulit eh kelangan ko nga ng makulit na taga-remind.
(2) Kaya akong hindi patulugin. Oo, sobrang makapangyarihan na siya kapag pumasa siya sa requirement na ito.
(3) Madaldal. Para hindi makatulog. Parang sa pagda-drive sa road trip lang yan eh, kelangan madaldal ang nasa shotgun para hindi mag-snooze ang driver (*guilty*).
(4) Malupit ang memorya — aba’y dapat lang, kasi kung olats din ang memorya niya, eh bakit pa ko nag-hire ng assistant di ba?
(5) …

Hay naku nakalimutan ko na naman ang isusulat ko. Buset. Hanggang dito na lang muna. Dagdagan ko na lang kung maghimalang maalala ko yan mamaya.

——————————————

POTEKNESS!

Seattle lost to New York.

AAAAAARGH!

Usapang Pagong

03 Tuesday Jun 2008

Posted by kilcher in Geekdom, Poetry

≈ 4 Comments

Nasusuka ako.

Hindi ako makahinga.

Pakiramdam ko nilalamukos ang mga baga ko. Piniga’t-piniga ang mga ito hanggang sa maubusan na ng hangin.

Pumlakda na lang ako.

Wala nang lakas.

Wala nang enerhiya.

Ubos na.

Ubos na.

Tapos naisip ko na lang bigla  E

Bilog at iikot pa rin naman ang mundo.

 Epunyeta, hindi bilog ang mundo. Isa itong flat disc na nakatuntong sa apat na elepante na nakatapak sa likod ng isang giant tortoise.

What is the turtle standing on then?

Shit ka.

It’s turtles all the way down!

And turtles are the shit, man. They support the earth and keep it in orbit. Screw the proven fact that the earth is round and fcuk Copernican theory (eh teka — nasa orbit nga eh, so revolving around the sun — ah ewan, ewaaaaan, ewaaaaaaaaaaaaaan). It’s fcuking flat and it is in the danger of toppling over because one of the turtles (the one at the top) decided its work just doesn’t cut it anymore.

Aalis na ang pagong, simula na ang pagguho ng mundo, na naman.
Punyemas na yan, wag niyo na lang kasing guluhin at pigil-pigilan.
Pero bakit nga naman ba mananatili kung para sa wala lang?
Kagaguhan na lang ang hayaan pa ang sarili na masaktan at maguluhan
kaya payagan na lang siyang maglakad kahit na ubod ng kabagalan,
hayaan na lang, utang na loob, na pansamantalang sarili niya’y protektahan.

⇁ESalamat kela Stephen Hawking at Terry Pratchett

==========================

At dahil naka-tengga na naman ang utak ko, wala na akong maisulat. So kalkal na lang from the hidden archives hihihi.

← Older posts
Newer posts →

Social Network

Recent Comments

  • kilcher on t minus 2 weeks
  • meema on t minus 2 weeks
  • kilcher on Maybe Either, Maybe Neither, We Just Don’t Know
  • maytoio on Maybe Either, Maybe Neither, We Just Don’t Know
  • Andi on Desktop as of 2011.06.30

Calendar

June 2008
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
« May   Jul »

Proudly powered by WordPress Theme: Chateau by Ignacio Ricci.