Ahahahaha! Nahilo ka ba? O malamang naasar na at di na lang pinansin itong post na to (pero kung ganun eh di hindi mo na nababasa itong mga daldal ko na to)? Ako rin nahilo eh. Isang malaking imahe na lang siya sa akin, wala akong nakikitang mga formula or hieroglyphic symbols. Para na lang siyang painting — abstract painting, to be exact.

O di bale, linisin natin ang ang image, tanggalin ang mga computations, at itira ang mga free-body diagrams.

Haha, wala pa rin. Puro arrows na lang nakikita ko. Arrows representing forces. Forces that need to be resolved into a single resultant (with magnitude and direction ^_^).

Kasi ganito yan, wala namang mga pangyayari pero pakiramdam ko andaming nangyayari (potek kahit ako nalabuan dun ah). Pakiramdam ko lang. Feeling ko lang. OMG, Virginia Woolf mode ba ito (hanggang ngayon di ko pa rin tapos basahin ang The Hours)? Enihu, andaming forces papasok, nakakaloka, hindi ko alam kung saang direksyon ako titingin, magpo-pokus, magbubuhos ng pansin. Andaming forces din papalabas — napakarami kong gustong gawin, pero walang oras, parating pagod, at madalas nang sumakit ang ulo ko ngayon.

Naalala ko tuloy yung mga Free Body Diagrams noon sa ES 11 (Statics of Rigid Bodies) at ES 12 (Dynamics of Rigid Bodies). Andami-daming arrows na nakaturo sa, let’s say, isang box, or isang slab of rock, or isang kotse, or whatever. Tas ire-resolve mo yan, magkakaron ng resultant force that will make the body move (ES 12) or mahahanap mo yung isang unknown force na makakapag-balance sa body na yun at makakapagpanatili sa kanya sa equilibrium (ES 11). Potek, ano kaya ang pakiramdam nung box na yun (or slab of rock, or kotse, or whatever)? Nagugulumihanan din kaya siya habang ang tagal-tagal nung estudyante (ako at ang sanlaksang mga eng’gots na olats sa ES) i-solve yung tinginingining na problem sa problem set or exam? Haha, teka bakit ko ba pinoproblema eh wala namang pakiramdam ang box or slab of rock or kotse or whatever? At hmmmm, pwede ko palang ihalintulad ang sarili ko sa box or slab of rock or kotse or whatever wahahaha.

PS — Ang gulo ko haha. Umulan kasi (huwaaaat?). Ganun yata kapag walang tulog (hello, insomnia) at saka nababasa ng ulan, nagiging monster, well scratch that out, nagiging MALABONG MONSTER. Raaawrr!

PPS — Naku, kung nagganito na ko dati nung ES 11 at ES 12, hindi sana ako nabuwiset nang malala at naburaot sa kakairitang mga subject na yan.

PPPS — Ugh. Kelan ba matatapos itong phase na to? Ayoko na mag-discuss ng mga konseptong ganito pero di ko mapigilan.

PPPPS — Hindi ko na maalala kung san ko nakuha yung first two images. Nag-google lang ako eh. Hehe.