• HOME
  • JOURNAL
  • CONTACT

kilcher04.net | journal

Daily Archives: 2008/02/12

Asaaaaaaaaaarrrrr!

12 Tuesday Feb 2008

Posted by kilcher in Life Oh Life

≈ 4 Comments

Tags

camera, nikon d40, noodles

Anak naman ng kung anu-anong gulay oo. Ang bata-bata pa netong si Noodles, may sakit na. Asaaaaaaarrr!

Bakit kamo? Silip dito at dito. Tignan niyo sa bandang left. Dalawa pa silang DUMIIIII. Nakakainizzzzz!

Shet namang malagket with almonds pa. Sirang-sirang-sira ang araw linggo ko. Naknamanngtokwa oo. Sana sa lens lang ito, at hindi sa sensor. Tinatamad pa naman ako magpuntang Akiba. Lech lech lech. Argh. Panira talaga ng momentum ito. Baka bumalik ako sa Hermit Mode nang di oras. Asaaaaaaar.

Hay, Ikaw Na Naman

12 Tuesday Feb 2008

Posted by kilcher in Photo Blog, Poetry, Project Tagalog

≈ 20 Comments

tula-lalalala | Originally uploaded by kilcher

Sumagi ka na naman
sa naririndi nang isipang ito.
Bumibilis ang tibok,
kinakabog itong pariwarang puso ko.
Hindi mapigilan ang daloy
ng mga salitang hindi ko rin
mawari kung saan hinuhugot at nagmumula.
Basta ang mahalaga lamang
ay ikaw, ikaw, ikaw,
at ang ngiti mong napakaliwanag,
kumikinang, kumukutitap, nakakabulag.
Oo, ikaw, ikaw nga,
kahit dati pa, ikaw lang naman talaga.

——-

Hoy, IKAW, nasaan ka na ba ha? Nakaka-wala ng ulirat ang mag-abang sa yo, kala mo.

Hihihi. Napanood ko lang po ito sa pelikula. Pati yung note. Hehe. Ang saya-saya maging imbentor pramis. Pero imagine-in niyo na lang kung meron talaga akong pinag-aalayan ng mga salitang ganyan. O di ba ang saya sana? Haha.

Kebeeeeeeeeer!

Social Network

Recent Comments

  • kilcher on t minus 2 weeks
  • meema on t minus 2 weeks
  • kilcher on Maybe Either, Maybe Neither, We Just Don’t Know
  • maytoio on Maybe Either, Maybe Neither, We Just Don’t Know
  • Andi on Desktop as of 2011.06.30

Calendar

February 2008
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
2526272829  
« Jan   Mar »

Proudly powered by WordPress Theme: Chateau by Ignacio Ricci.