Tags
It’s finally snowboarding season. Enjoyed the trip to Ishiuchimaruyama in Niigata-ken. I can’t wait for the next one.
———–
At dahil diyan, me sa re-post ako ng past kwento from one of the snobo trips last year:
“Istoryang Tebukuro”
Umupo ako sumandali, inalis ang kaliwang glove para ayusin ang aking ponytail. Kita mo nga naman, nuknukan ng pagka-vain. Hinahangin na nang malakas, tinatangay na ng blizzard, gusto pang ayusin ang buhok.
Lumipad ang left-hand glove. Papunta sa may gilid. Na mataas ang snow.
At dahil sa masyado akong matagal mag-disentangle ng sarili ko mula sa gwakanangshet na board na yun, hindi ko na alam kung saan ko hahagilapin yung left glove.
Sinundan ko (kahit bawal yata sa area na yun), pero WALA NA SIYA! WALA NA TALAGA SIYA! Tinabunan na malamang ng snow at kung di ako umalis agad dun sa lugar na yun baka ako rin tinabunan ng snow!
Sinubukan kong wala si left glove. Nasaktan ko na naman ang sarili ko.
So ang nangyari, 1.75km kong nilakad yung course dahil hindi talaga ako pwedeng magsnowboard nang walang left glove. Lintik na yan, PURPLE na yung left hand ko (na injured pa pala since the day before).
1.75km of gulongs and slides and semplangs later, I plastered my lost puppy in the rain face and got myself a new set of gloves — penalty-free!
Pero pagbalik ko sa chairlifts, sarado na. Di ko na naulit ang course. Hay.
Feeling ko may metaphor sa likod ng pangyayaring to eh.
Pero baka wala rin.
WYSIWYG.
Sometimes you just gotta take things as they appear. The effin’ left glove just got blown away during the effin’ blizzard. End of story.
——-
Nangyari ito February last year dun sa isa naming Snobo trip na na-blizzard nang di oras.