Full Moon
08 Tuesday Apr 2008
Posted Poetry, Project Tagalog
in08 Tuesday Apr 2008
Posted Poetry, Project Tagalog
in26 Wednesday Mar 2008
Posted Poetry, Project Tagalog
inHindi kita namimiss,
hindi ko iniisip kung nasaan ka
at kung anuman ang iyong ginagawa.
Hindi kita namimiss,
wala ni isang alaala mo
ang kumukulit at kumakalabit sa utak ko.
Hindi kita namimiss,
hindi ako nangungulila,
pero bakit tungkol sa Eo Eong tula?
Hindi kita namimiss,
ay naku, hindi naman talaga,
pero bakit pati ako hindi rin naniniwala?
Hindi kita namimiss,
ay naku na lang, hindi talaga.
Oo, hindi, oo, ewan, ewan ko na.
Hay, sige na nga, na-mi-miss nga kita.
[ 2008.03.22.14.23 ]
Disclaimer: Nang dahil sa nabasa ko ang salitang “nangungulila” ay ipinanganak ang korning tulalalala na ito. Pagpasensiyahan na, puro basura na lang ang nagagawa ko nitong mga nakaraang araw.
25 Tuesday Mar 2008
Posted Poetry, Project Tagalog
in24 Monday Mar 2008
Posted Japan Stuff, Photo Blog, Poetry, Project Tagalog
inNapakahirap ang mawala sa Shinjuku-Eki,
napakaraming lilikuan, napakaraming dadaanan;
malalang nagsusumiksikan ang mga taong
nagmamadaling makarating sa nais patunguhan.
Nahihilo na ako’t di ako magkandaugaga
sa pagtingin at pagbasa ng mga karatula
na mukhang nanggaling pa sa ibang planeta,
hiragana, katakana, hieroglyphics, nak ng tokwa.
Pero hala, teka lang, nasaan na ba ako?
Di ko na maalala lahat ng padiretso’t paliko-liko.
Para pala itong pagbabasa ng utak mong kumplikado,
ilang buwan na ang dumaan, naliligaw pa rin ako.
[ 2008.03.21 ]
Photo by shamam
Nawala ako sa Shinjuku Eki nung March 16, 2007. Haha ang kapal ko naman kasi, sa lahat pa ng pipiliin kong pagpalitan ng linya ng train ay Shinjuku pa. Eh etong Shinjuku ay isa sa busiest train stations in the world. Tsk.
PS — kaya ko na magpasikot-sikot sa loob ng eki pero hindi ko pa rin kaya lumabas sa tamang labasan. Ang dami naman kasing exit no.
19 Wednesday Mar 2008
Posted Poetry, Project Tagalog
inDati-rati’y kayang-kaya kong paduguin
ang papel nang dahil at para sa Eo,
mga gunitang kasama ka’y lumutang-lutang
sa malapot na sabaw ng magulong utak ko.
Ngunit kaiba na rin ang ngayon siguro,
pati hangin ibang direksyon na kung umihip.
Ni katiting na kurot sa puso’y wala na,
bahagyang lumuwag itong isip kong masikip.
Wala na talaga akong maramdaman,
inspirasyon ay wala na ring mapaghugutan;
tengga, blanko, kasalukuyang nakahinto man,
masaya at malaya naman mula sa mga alinlangan.
Marahil kailangan ko na munang ipahinga
itong plumang matutuyot na rin ang tinta,
hanggang sa may ibang gumising ng aking diwa,
hanggang dumating ang inaabangang bagong musa.
[ 2008.03.18.16.27 ]
* shijin no kyuusoku Ea poet’s rest
17 Monday Mar 2008
Posted Poetry, Project Tagalog
inKapag sinabi ko sa iyo
na ikaw ay nakatira na sa utak ko,
aba aba, katapusan na ‘yun ng mundo.
Pigilan iyang namumuong reklamo sa bibig mo,
huwag ka naman nang mag-usisa pa lalo
kung anuman iyang ibig sabihin ng sinabi ko.
Huwag akalaing di ko kayang iwasan
ang lahat ng “ano” at “bakit” mo na ‘yan,
kaya ko, pero wag mo na lang subukan.
O, o, o, huwag na sabing pagpilitan,
‘yang kakulitan mo’y walang patutunguhan,
mga tanong mo’y wala akong kasagutan.
Kasi napakaliit ng posibilidad, alam mo,
na mapilit mo at tuluyang ma-engganyo
sa pag-amin ang dakilang duwag na ‘to.
Kaya, kapag nagkataong sinabi ko sa iyo
na permanenteng residente ka ng puso’t isip ko,
wala na, katapusan na talaga ‘yun ng mundo.
[ 03.16.2008.23.59 ]
————— E
LSS ko ngayon ang Kapag Sinabi Ko Sa Iyo ni Gary Granada (hay, sa wakas, napalitan na rin ang Juno Song), at hindi ko siya matanggal sa utak ko kaya naisipan kong gumawa ng sarili kong (nuknukan ng keso at ang sarap lamukusin at itapong) bersyon. Iniisip ko pa kung kaya kong lapatan siya ng tunog pero argh hindi ko pa tapos iyung isa kong ginagawang proyekto. Bahala na sila Batman at Robin at Harlequin (kasali siya kasi gusto ko ang get-up niya). Haayz, kapag dumating na lang ulit ang “moment” ko siguro, kung kelan man yun.
Default Disclaimer: Napanood ko lang po ito sa pelikuha. Teeheeheehee.
11 Tuesday Mar 2008
Posted Poetry
inmore and more,
the edges that define me
dissolve, blur by blur.
more and more,
you strip me of me
slowly, inch per inch.
more and more,
because of you i’m
fading, bit after bit.
more and more,
i’m losing myself to you
and you still can’t see me.
14:04 2008/03/11
07 Friday Mar 2008
Posted Poetry, Project Tagalog
inGanito pala ang pakiramdam
ng taong tuloy-tuloy na nalulunod.
Kahit anong pilit mong umahon,
ang pagkakataon ayaw talagang umayon.
Ganito pala ang pakiramdam
ng nawawasak ang puso paunti-unti E
nadudurog, nagpipira-piraso, natutusok
ng mga karayom hanggang tumigil sa pagtibok.
Ganito pala kapag nasasaktan,
nakakamanhid, nakakatanga naman pala talaga.
Nakakasira ng ulo, nakakabuwang,
parang nilalatigo ang sugat na nakatiwangwag.
Ganito pala Epunyeta naman o.
Bakit ko ba hinayaang sarili’y makaramdam?
Lintek namang gulo itong sinuong ko,
nadamay na naman ang naghihingalong puso ko.
[ 2008.01.30 ]
22 Friday Feb 2008
Posted Geekdom, Life Oh Life, Poetry
inInertia … Inertia … Inertiaaaaaaaaa …
Ang sarap manatili sa estadong ganito
at isisi ang lahat sa
Inertia … Inertia … Inertiaaaaaaaaa …
Oo na, tamad, lethargic, sloth,
lahat na ng salitang walang kagana-gana,
hala, sige, ikabit mo na sa kin,
pero kasalanan pa rin ito ng
Inertia … Inertia … Inertiaaaaaaaaa …
Eh bakit ba — ang sarap naman kaya
ng nakahinto ka lang at nasa isang tabi,
nag-iisip, nakatulala, nagmumuni-muni.
Ayoko pang gumalaw, ayoko pang gumulong,
hangga’t wala pa SIYA na magtutulak
sa akin, SIYAng magsisilbing isparkplag,
SIYAng makakahila sa akin mula sa
Inertia … Inertia … Inertiaaaaaaaaa …
Grrr naman talaga.
Isisi na lang ang lahat sa inertia.
13 Wednesday Feb 2008
Posted Photo Blog, Poetry, Project Tagalog
inTraydor itong pakiramdam na to.
Kahit ilang beses mong sabihing
ayaw mo na,
tama na,
suko ka na,
babalik at babalik pa rin siya,
tatalunin ka,
papaluhurin ka,
ay, tinginingining naaaaaaa…
utang naman ng loob,
puso ko’y pagpahingahin mo na.
————-
@ Krotone : Sapul ka ba? Gagamitin kitang buffer na rason para sa tulang ito. Sinubukan ko lang i-eksplika iyang sitwasyon mo. Sana swak. :p Haha. Yosha.
Ang tao sa litrato ay walang iba kundi ako. Ang title niyan ay “Gigil”. Wala lang, hindi ko naman talaga inisip ang sitwasyon mo, Krotone, nung sinulat ko yung nasa taas. Gusto ko lang i-promote ang aking Project Emotikon. Hahaha.
At teka bakit ko ba kelangan ng buffer na rason eh OSCILLATOR nga ako. Oscillating can be defined as “producing a continuous output waveform without an input signal present. EDC lang buhay na ako. Walang inspi-inspirasyon na kailangan.