• HOME
  • JOURNAL
  • CONTACT

kilcher04.net | journal

Author Archives: kilcher

Or Something

01 Tuesday Apr 2008

Posted by kilcher in Uncategorized

≈ 4 Comments

Maybe I should just stop this line of thinking

Who knows where this mindset is leading

Oh, me! me! me! I know the direction this is heading

And I know this is just me self-destructing

Never mind that I even manage to be rhyming

And I still have the gall to burst out laughing

Even if my insides feel like they’re bleeding

And I feel like slowly and slowly I’m dying

Coz it’s like surreal or something

Or something

Yeah, something

Wait, what on earth was I thinking?

— sometime in 2006

Survey Desu, Survey

28 Friday Mar 2008

Posted by kilcher in Uncategorized

≈ 2 Comments

1. How do you usually introduce yourself to people?
— “hi, i’m awesome, and you are?”. haha. joke lang no. i don’t introduce myself to people. ibang tao gumagawa nun for me, parang himym eh, “hi, haaaaaaaave you met tinats?” haha.

2. Where do you usually order pizza from?
— pizza hut.

3. Have you ever been to Australia?
— nope. but i wanna go there. kampupot, pa-ampon!

4. Have you ever tripped going up steps?
— nope. going down, meron na haha. may matchbox cars kasi sa stairs leche.

5. What’s one thing you did last summer?
— got stuck in a hospital.

6. Do you have a best friend?
— team kilcher

7. Where will you be in 12 hours?
— prolly still in club 105 (justin’s place) for jon’s sayonara party.

8. Have you ever thrown something out of anger?
— hahaha. all the time.

9. Who’s the last person to text message you?
— lowla teejay. ang tanging suki ni k610i.

10. Last wedding you attended?
— hmmm, tita cristy’s wedding years ago.

11. If alcohol were banned worldwide, what would your reaction be?
— what the bloody hell is wrong with you people?

12. Can you see a phone right now?
— yep.

13. When is your birthday?
— march 21.

14. Are you a jealous person?
— nope. (buntung-hininga nang malalim). nope. really.

15. Ever skipped school and spent the day at the beach?
— eh kung may malapit lang bang beach sa quesci at UP eh. I skipped school to watch movies, though. 🙂

16. How are you today?
— oddly, i’m at peace. well, sort of. nantoka naru.

17. Do you miss anyone right now?
— hmmm. not really. do i have to miss someone ba?

18. When you’re in a bad mood, what will always put you in a better mood?
— the right jokes, the right people, the right convos. or maybe just the right amount of sleep.

19. Does everyone in your life know the real you?
— no.

20. What were you doing before you started this survey?
— reading up on xps specifications (again).

21. What were you doing this morning at 8am?
— getting ready for work while chatting while ironing clothes.

22. What was the weather like on your last birthday?
— normal spring weather.

23. What are you listening to?
— the darkness’ “dancing on a friday night”.

24. Can men and women be “Just Friends”?
— possible.

25. What woke you up this morning/afternoon?
— body clock.

26. Who was the last person to leave a comment on your Friendster?
— si kurly_topz a.k.a. ava kashima austria na nawawala na ngayon. waaaah, wala na akong ka-chika late into the night.

27. Do you listen to music everyday?
— mga 80% ng araw ko, puno ng music.

28. Initials ?
— mcidg

29. Where was the last place you went besides your house?
— eeer, office?

30. Do you enjoy fighting with people?
— nope. pacifist ako.

31. Have you ever been in the emergency room?
— oh yeah. try coughing up blood and see if di ka itakbo na lang bigla sa emergency room.

32. Do you drink coffee?
— yes, but only when super-needed. nagpapalpitate ako eh.

33. Are you a bad influence?
— nope. kadiri na nga ako sa pagiging goody-two-shoes eh. ps — hindi ako bad influence, pero kunsintidor ako. kaya favorite ako ni goldine eh :p

34. Do you close the door when you pee?
— ay oo naman. ano bang klaseng trip to? atsaka parang natanong na to dati ah.

35. Wallpaper on your computer’s desktop?
— the angas seattle storm nike id custom sneakers na hanggang ngayon di ko pa rin na-order.

36. Where was your default picture taken?
— kilcher: sa common area ng bahay, in front of the mirror.
— kilcher2: sa isang red phonebooth sa shibuya.

37. Doing this weekend?
— hanami, basketball, pnb sunday, tokyo flickr meet.

38. Orange or apple juice?
— apple juice (naulit na talaga to!)

41. Who was the last person you hung out with?
— the AJ peeps.

42. What was the last thing you ate?
— choco chip cookies from da konbini.

43. What do you wear more, slacks, jeans, or sweatpants?
— khakis sa weekday, jeans sa weekend, sweatpants sa bahay.

44. Where did you get the shirt you’re wearing?
— mamsi bought it. i have no idea where.

45. How’s your heart lately?
— be still, my beating heart. ayos lang yan. di pa katapusan ng mundo kung ancient na pero nag-iisa pa rin tayo.

46. The last person who called you?
— uh — sino nga ba? ah, si laizee nung isang araw, di kasi ako nagising on time. ang tamad talaga nun, pwede naman kumatok sa pintuan, heller.

47. Do you listen to your parents?
— minsan hindi :p heeheehee.

March Madness Na!

26 Wednesday Mar 2008

Posted by kilcher in Sports

≈ 5 Comments

Tags

basketball, huskies, ncaa, uconn

I decided to just put up a mini-update area at the upper-left part of this blog coz I haven’t mustered enough gana to post about basketball (something’s really wrong with me). And the past two UConn games have been hohumm so far. Errr, no, I’m not asking for a super-down-the-wire and heart-stopping game but please, a little more excitement naman.

############

Fabulous Freshman Maya Moore is just awesome as always. 17Pts-8Rebs-3Asts-1Blk during the Cornell game and 24-and-12 on 10 for 15 shooting, 4 of 6 from downtown during the game against the Texas Longhorns.

Montgomery, Charles, and everybody else — wooohooo!

McLaren is a pretty sweet passer for a post player.

Charde Houston continues to perform since she was named Big East Tourney Player of the Year (or MVP, whatever).

############

OMG, I’m so excited na sa WNBA. Bball time! Woohoo! Ang saya naman kasi ng Bird – Swoopes – Cash – Jackson na team no!

############

And oh — another OMG. Sana tumuloy-tuloy na ang Huskies to the Final Four and beyoooooooond!

Hindi Talaga

26 Wednesday Mar 2008

Posted by kilcher in Poetry, Project Tagalog

≈ 6 Comments

Hindi kita namimiss,
hindi ko iniisip kung nasaan ka
at kung anuman ang iyong ginagawa.

Hindi kita namimiss,
wala ni isang alaala mo
ang kumukulit at kumakalabit sa utak ko.

Hindi kita namimiss,
hindi ako nangungulila,
pero bakit tungkol sa  Eo  Eong tula?

Hindi kita namimiss,
ay naku, hindi naman talaga,
pero bakit pati ako hindi rin naniniwala?

Hindi kita namimiss,
ay naku na lang, hindi talaga.
Oo, hindi, oo, ewan, ewan ko na.

Hay, sige na nga, na-mi-miss nga kita.

[ 2008.03.22.14.23 ]

Disclaimer: Nang dahil sa nabasa ko ang salitang “nangungulila” ay ipinanganak ang korning tulalalala na ito. Pagpasensiyahan na, puro basura na lang ang nagagawa ko nitong mga nakaraang araw.

Tick Tock Tick Tock

25 Tuesday Mar 2008

Posted by kilcher in Poetry, Project Tagalog

≈ 7 Comments

clock

Bakit ba sadyang napakatagal
ng paggalaw ng oras na ubod ng bagal,
lahat na lang ng bagay nuknukan ng tumal
kapag wala ang  Eong mga kwento’t daldal?

[ 2008.03.21.11.26 ]

Shinjuku Eki

24 Monday Mar 2008

Posted by kilcher in Japan Stuff, Photo Blog, Poetry, Project Tagalog

≈ 1 Comment

shinjuku.jpg

Napakahirap ang mawala sa Shinjuku-Eki,
napakaraming lilikuan, napakaraming dadaanan;
malalang nagsusumiksikan ang mga taong
nagmamadaling makarating sa nais patunguhan.

Nahihilo na ako’t di ako magkandaugaga
sa pagtingin at pagbasa ng mga karatula
na mukhang nanggaling pa sa ibang planeta,
hiragana, katakana, hieroglyphics, nak ng tokwa.

Pero hala, teka lang, nasaan na ba ako?
Di ko na maalala lahat ng padiretso’t paliko-liko.
Para pala itong pagbabasa ng utak mong kumplikado,
ilang buwan na ang dumaan, naliligaw pa rin ako.

[ 2008.03.21 ]
Photo by shamam

Nawala ako sa Shinjuku Eki nung March 16, 2007. Haha ang kapal ko naman kasi, sa lahat pa ng pipiliin kong pagpalitan ng linya ng train ay Shinjuku pa. Eh etong Shinjuku ay isa sa busiest train stations in the world. Tsk.

PS — kaya ko na magpasikot-sikot sa loob ng eki pero hindi ko pa rin kaya lumabas sa tamang labasan. Ang dami naman kasing exit no.

OMFG Ancient!

21 Friday Mar 2008

Posted by kilcher in Life Oh Life

≈ 10 Comments

i included the following quote in my “23 random things that i learned last year” entry for my 23rd birthday:

[22] “i am cookie dough…i’m not done baking. i’m not finished becoming whoever the hell it is i’m gonna turn out to be. i make it though this, and the next thing, and the next thing, and maybe one day i turn around and realize…i’m ready. i’m cookies. i’m done.”

– buffy summers, buffy the vampire slayer, final episode, final season.

three years later, i’m still friggin’ cookie dough. i’m not yet ready. i’m not yet done. magulo pa rin ako as a person. hindi ko pa rin alam kung saan ako patungo, kung ano ang mga plano ko sa buhay, kung ano ba talaga ang gusto ko.

but i know i’ll get there someday (cue: hercules theme-song). sabi nga ng isa sa mga pinaka-astig kong kaibigan, “isa kang masarap at astig na cookie. wala naman yan sa tagal ng pagluluto..nasa quality yan ng isang cookie, so huwag kang mag-alala.” so, okay, nabura ang malaking porsyento ng aking pagkabahala sa pagiging ancient ko (kahit na hindi talaga halata) at kahit papano may panibagong perspektibo akong tinitingnan. kaya maraming salamat sa ‘yo. maalala mo kayang ikaw ang nagsabi niyan? tsk, rhetorical question yata yan.

anyhoo …

omfg, so ancient! ang fossil-fossil ko na pero di naman halata haha. nagkakaroon pa rin ako ng moments kung san tinatanong pa kung otona (adult) ako sa resto at kung san pinagpipilitan ni ate na may-ari ng pinoy store sa seiseki na under-20 daw ako eh sabi ko nga hindi na. hay pero letch ang saya pa rin maging bata.

haha, wala nang sense to. di naman ako nag-iinarte at nag-e-emo no. masaya nga ako akshali. pwede nating isisi sa maraming bagay ang kagandahan ng mood ko buong linggong ito. halimbawa na lang iyung may nakausap ulit ako nang masisinsinan after ten thousand years of busy~ness, pati iyung unti-unti akong nagkakagana ulit sa pagkukuha ng litrato at paggawa ng kwento, at sa lahat nang nambulabog sa ym, at lalong lalo na dahil dun sa tsekerd guitar strap weeee! kaya ayun. astig!

o sha. so wala na akong masabi. basta eto na ko ngayon:

green.jpg

sorry na lang haha, di talaga ako mukhang 26 :p

—————————–

@@@: may wish ka na?
###: 😉
@@@: sana maging masaya ang another year ng buhay mo 🙂
@@@: at mapuno ng love at happiness…
###: salamat naman 🙂
###: pero world peace lang naman talaga kasi ang gusto ko :p
###: :))

詩人の休

19 Wednesday Mar 2008

Posted by kilcher in Poetry, Project Tagalog

≈ Leave a Comment

Dati-rati’y kayang-kaya kong paduguin
ang papel nang dahil at para sa  Eo,
mga gunitang kasama ka’y lumutang-lutang
sa malapot na sabaw ng magulong utak ko.

Ngunit kaiba na rin ang ngayon siguro,
pati hangin ibang direksyon na kung umihip.
Ni katiting na kurot sa puso’y wala na,
bahagyang lumuwag itong isip kong masikip.

Wala na talaga akong maramdaman,
inspirasyon ay wala na ring mapaghugutan;
tengga, blanko, kasalukuyang nakahinto man,
masaya at malaya naman mula sa mga alinlangan.

Marahil kailangan ko na munang ipahinga
itong plumang matutuyot na rin ang tinta,
hanggang sa may ibang gumising ng aking diwa,
hanggang dumating ang inaabangang bagong musa.

[ 2008.03.18.16.27 ]

* shijin no kyuusoku  Ea poet’s rest

Ang Bersyon Ko ng KSKSI

17 Monday Mar 2008

Posted by kilcher in Poetry, Project Tagalog

≈ 2 Comments

Kapag sinabi ko sa iyo
na ikaw ay nakatira na sa utak ko,
aba aba, katapusan na ‘yun ng mundo.

Pigilan iyang namumuong reklamo sa bibig mo,
huwag ka naman nang mag-usisa pa lalo
kung anuman iyang ibig sabihin ng sinabi ko.

Huwag akalaing di ko kayang iwasan
ang lahat ng “ano” at “bakit” mo na ‘yan,
kaya ko, pero wag mo na lang subukan.

O, o, o, huwag na sabing pagpilitan,
‘yang kakulitan mo’y walang patutunguhan,
mga tanong mo’y wala akong kasagutan.

Kasi napakaliit ng posibilidad, alam mo,
na mapilit mo at tuluyang ma-engganyo
sa pag-amin ang dakilang duwag na ‘to.

Kaya, kapag nagkataong sinabi ko sa iyo
na permanenteng residente ka ng puso’t isip ko,
wala na, katapusan na talaga ‘yun ng mundo.

[ 03.16.2008.23.59 ]

————— E

LSS ko ngayon ang Kapag Sinabi Ko Sa Iyo ni Gary Granada (hay, sa wakas, napalitan na rin ang Juno Song), at hindi ko siya matanggal sa utak ko kaya naisipan kong gumawa ng sarili kong (nuknukan ng keso at ang sarap lamukusin at itapong) bersyon. Iniisip ko pa kung kaya kong lapatan siya ng tunog pero argh hindi ko pa tapos iyung isa kong ginagawang proyekto. Bahala na sila Batman at Robin at Harlequin (kasali siya kasi gusto ko ang get-up niya). Haayz, kapag dumating na lang ulit ang “moment” ko siguro, kung kelan man yun.

Default Disclaimer: Napanood ko lang po ito sa pelikuha. Teeheeheehee.

White Noise

16 Sunday Mar 2008

Posted by kilcher in Geekdom

≈ 1 Comment

whitenoise.gif

White Noise —

— it’s like silence but not empty.

 

 

— Mark Haddon, The Curious Incident of the Dog in the Night-Time

← Older posts
Newer posts →

Social Network

Recent Comments

  • kilcher on t minus 2 weeks
  • meema on t minus 2 weeks
  • kilcher on Maybe Either, Maybe Neither, We Just Don’t Know
  • maytoio on Maybe Either, Maybe Neither, We Just Don’t Know
  • Andi on Desktop as of 2011.06.30

Calendar

December 2025
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
« Feb    

Proudly powered by WordPress Theme: Chateau by Ignacio Ricci.