di inaalintana ang parusang init,
ang dagdag na pagod sa pagod nang katawan.
mga problema’y isantabi pansamantala,
saka na lang yan, p.e. tres na muna.

may iba-ibang trip sa buhay, nagsama-sama,
ang iba’y kunyari ilag pa nung una.
pero sige lang, ganun talaga,
watak-watak tayong nagsimula.

at ayon sa ritmo ng bolang tumatalbog,
pagkakaibigan nati’y sinimulang binuo.
sabay sa bawat dagdag ng mga puntos,
walang alinlangan, tinanggap nang lubos.

sa bawat pasa, sa bawat pag-alalay,
nagkabuhol-buhol na ang mga buhay.
sa bawat tapik, sa bawat ngiti,
mga sikreto’y nasasabi paunti-unti.

sa mga pagkakataong nadadapa,
kakambal nito ang “okay ka lang ba? E
kapag ang bola ay naaagaw, nawawala,
“sige, okay lang yan, bawi mamaya. E

pero lahat ng bagay sa mundo nagtatapos
ito kaya ganoon din ang kahinatnan?
saan, saan pa kaya ito patungo –
magtuloy pa kaya ito pagkatapos ng laro?

sana hindi dito matapos, hindi ito ang dulo
ng mga samahang ating binuo, ating hinubog.
kahit tumunog pa man ang huling pito sa laro,
sana ang bola patuloy pa rin sa pagtalbog.